Binigyan ng komendasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dito sa Bicol Region ang isang tapat na utility personnel ng airport sa Legaspi, Albay.
Siya ay si Rommel Nanio, janitor sa Legazpi Airport.
Ayon sa report, nakita umano ni Rommel ang bag at nang kanyang tingnan ang laman nito, nagulat siyang naglalaman ito ng maraming pera at mga dokumento nasa humigit-kumulang 150 thousand pesos.
Hindi naman nagdalawang-isip si Rommel at ginawa ang tama at nararapat: – iti-nurnover nito ang nasabing bag sa opisina ng CAAP. Isinumite rin ng CAAP ang bag sa management ng airport para agad na maibalik ito sa may-ari na kinilalang si Cesar Ballano, pasahero ng eroplanong papuntang Maynila.
Ang pagkilala kay Nanio ay pagpapatunay din ng uri ng kalidad na nilalayong maibahagi ng CAAP sa publiko – serbisyong may katapatan at integridad.
Honest Utility Personnel ngLegazpi Airport, Kinilala, Pinarangalan ng CAAP
Facebook Comments