Top 2 at 5 Most Wanted- Municipal Level, Huli sa Isabela!

Cauayan City, Isabela- Hawak ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 2 at Top 5 Most Wanted person sa dalawang bayan sa Lalawigan ng Isabela.

Unang naaresto kahapon ng pinagsanib na pwersa ng Aurora Police Station at PNP Bambang ang Top 5 most wanted na si Wilmond Pascual, 27 anyos, binata, laborer, pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. San Antonio, Bambang, Nueva Vizcaya, at tubong Aurora, Isabela.

Si Pascual ay nadakip sa Brgy. San Antonio, Bambang, Nueva Vizcaya sa bisa ng dalawang warrant of arrest na ipinalabas RTC Branch 17, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Robbery.


May inirekomendang piyansa ang korte na P40,000 sa bawat kaso nito para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nahuli na rin ng otoridad sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ng RTC Branch 18 City of Ilagan ang Top 2 Most wanted person sa Sitio Diwagden Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Tomas Baniton, 30 anyos, walang asawa, helper at residente ng nabanggit na lugar.

Si Baniton ay nahaharap sa kasong murder o pagpatay.

Posibleng hindi na makalabas ng kulungan si Baniton dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments