Posibleng tumaas sa mga susunod na buwan ang hospitalization at death rate sa buong mundo dahil sa COVID-19.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, kamakailan lang ay bumaba ang bilang ng mga namamatay sa buong mundo dahil sa COVID-19, pero ang papalapit na mas malamig na panahon at ang patuloy na pagkalat ng mga Omicron subvariant ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga tao.
May mga bansa rin kasi aniya na mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna lalo na ang booster shot.
Dagdag pa ni Ghebreyesus, may bansa rin na hindi pa nababakunahan ang 30 percent ng mga health workers at 20% ng mga nakakatandang indibidwal.
Samantala, una nang nilinaw ng Department of Health (DOH) na patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.