DOH, itinangging may expired na mga bakuna para sa booster shots

57

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na expired ang mga bakunang ginagamit nila para sa booster shots.

Ayon kay Health Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, ang mga bakunang ginagamit nila ay sumailalim sa shelf extension kung saan nakikipag-ugnayan ang DOH sa manufacturers nito at inaalam kung maari pa itong magamit.

Ipinaliwanag ni Vergeire na kapag nag-extend ng shelf life ang isang manufacturer ay dumadaan ito sa masusing pag-aaral.


Nilinaw rin ng opisyal na ang ipinamamahagi ng DOH na bakuna ay tiyak na epektibo.

Facebook Comments