HOTDOGS, IPINAMIGAY SA BAWAT PAMILYA SA MAPANDAN, PANGASINAN

Mapandan, Pangasinan – Siguro, medyo naintriga kayo mga idol. Ha? Hotdog? Tama. Hotdogs nga. Sa umiiral paring ECQ sa Pangasinan, nakaisip ng ibang relief goods ang bayan ng Mapandan para sa kanilang mga citizens.

Ang maliit na bayan ng Mapandan ay mayroong 15 barangays. Nahati ito sa dalawang cluster. Nitong May 08, 2020, nauna nang naka pag distribute ng Frozen Goods na ito sa First Cluster ng bayan. Bawat bahay ay nakatanggap ng isang package ng King Size o mahigit isang kilo na Hotdogs. Natapos naman ang distribusyon sa second cluster nitong May 11, 2020.

Malaking tulong ito para sa mga taga Mapandan. Dahil kada relief goods na natatanggap nila ay isang katiyakan, na hindi sila pinapabayaan ng kanilang local na pamahalaan. Samantala, kailan lamang ay inanunsyo sa Facebook Page ni Mayor Anthony Dooy Penuliar ng Mapandan, na nagkaroon sila ng Probable Covid Patient sa bayan. Minomonitor pa rin ito at wala pang resulta kung Positive nga ito sa COVID19.


Facebook Comments