Hotel sa Ilocos Norte, gagawing isolation facility ng pamahalaan

IFM Laoag – Nakipag-ugnayan ang iba’t-ibang sangay ng pamahalaan sa Ilocos Norte sa DOH at gumawa ng hakbang upang magkaroon ng Isolation facilities ng COVID-19 ang nasabing lalawigan.

Ayun kay Governor Matthew Marcos Manotoc, apat ang ginawang isolation facility na kinabibilangan ang isang hotel na pagmamay-ari ng gobierno, ang Plaza Del Norte sa Laoag City na may 40 na silid na magagamit, kabilang pa dito ang Laoag City General Hospital, Provincial Hospital at ang Department of Public Works and Highways sa nasabing lungsod.

Ito ay hakbang upang ma-isolate agad ang mga close-contact ng dalawang pasiente na nagpositibo sa COVID-19 nitong nakaraang araw.


Samantala, hinihintay naman ng pamahalaan ng lalawigan ang pagdating ng Polymerase Chain Reaction (PCR) Machine. Isa itong thermal cycler na pwedeng malaman agad kung ang isang pasiente ay apektado ng COVID-19.

Maliban sa 2 nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 14 na Patient Under Investigation (PUI) sa Ilocos Norte simula ng kumalat ang nasabing sakit sa bansa, 5 dito ay naka home quarantine, 4 ang naconfine sa ospital at 5 dito ay discharged na.

– Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments