Thursday, March 26, 2026

House Committee on Justice, nilinaw ang paggamit ng terminong “mini-trial” kaugnay sa impeachment hearings

Nagpaliwanag si House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro sa paggamit nito sa terminong “mini-trial” patungkol sa ginagawang pagdinig para matukoy kung may probable cause ang ikatlo at ika-apat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Nilinaw ni Luistro, na ang impeachment hearings ng komite ay maituturing na preliminary investigation at hindi mini-trial.

Ayon kay Luistro, ginamit lang niya ang terminong “mini-trial” upang maging madali na maipaunawa sa publiko ang kaibahan ng impeachment proceedings sa Kamara at impeachment trial sa Senado.

Ginawa ni Luistro ang paglilinaw makaraang ikatwiran ng mga abogado ni VP Duterte na hindi dumalo ang bise presidente sa impeachment hearing kahapon dahil walang hurisdiksyon ang House Justice Panel para magsagawa ng kahit anong porma ng trial o paglilitis.

Facebook Comments