Tuesday, January 20, 2026

House Majority Leader Sandro Marcos, walang choice kundi aksyunan ang impeachment complaint laban sa ama

Walang magagawa at wala umanong “choice” si House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos kundi i-proseso ang impeachment complaint na inihain laban sa kanyang ama na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Bukidnon 2nd District Representative Jonathan Keith Flores, Vice Chairman ng House Committee on Justice, na siyang magsasagawa ng pagdinig at magtatakda kung sapat sa anyo at nilalaman ang impeachment complaint.

Ayon kay Flores, si Congressman Sandro ang namumuno sa House Committee on Rules, na may tungkulin sa pagmamando ng daloy ng mga lehislasyon at proseso sa plenaryo at sa mga komite ng Kamara.

Diin ni Flores, ang Committee on Rules ang magre-refer ng impeachment complaint sa House Committee on Justice para sa pormal na pagtalakay.

Facebook Comments