House Quad Committee, walang impormasyon uko sa paglabas sa bansa ni Garma

October 31 pa nakalabas ng detention facility ng Kamara si dating PCSO General Manager at retired Police Col. Royina Garma at dating Napolcom Chief Edilberto Leonardo.

Kaya naman ayon kay Quad Committee overall chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, wala na silang impormasyon sa balitang nakalabas ng bansa patungong Amerika si Garma.

Sa ngayon, ayon kay Barbers ay sapat na ang naging mga testimonya ni Garma sa Quad Comm kaugnay sa extra judicial killings sa ilalim ng war on drugs at ipapatawag na lang uli ito kung kakailanganin.


Facebook Comments