House Speaker Lord Allan Velasco, hindi raw dapat makialam sa kampanya ng Gobyerno laban sa mga komunistang grupo

Inihayag ng isang abogado na sinisira umano ni House Speaker Lord Allan Velasco ang ginagawang kampanya ng gobyerno laban sa mga komunistang grupo.

Ito ay matapos na ipagtanggol ni Velasco ang mga mambabatas ng Makabayan Bloc sa pag-ugnay ni AFP Southern Luzon Command Chief Gen. Antonio Parlade sa mga ito sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay Atty. Trixie Angeles, naiintidihan niya na kailangan niyang ipagtanggol ang kaniyang mga kongresista pero wala aniyang karapatan si Velasco na diktahan ang ginagawa ng mga militar.


Nakalulungkot aniya na mismong si Velasco na kaalyado ng administrasyon ang pumipigil sa pagmulat ng AFP sa publiko sa ginagawang pag-recruit ng mga makakaliwa sa mga kabataan sa mga unibersidad.

Matatandaang pinalagan ng House Speaker ang ginawang red tagging ni Parlade sa grupo ng Makabayan Bloc kung saan binalaan pa niya ito na huwag mag-akusa nang wala naman umanong basehan.

Facebook Comments