House Speaker Martin Romualdez, nangako ng maagang deliberasyon ng Kamara para sa 2023 national budget

Tiniyak ni House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez ang mabilis na deliberasyon ng Kamara para sa 2023 national budget.

Sinabi ito ni Romualdez kasunod ng inaashang pagsumite ng Department of Budget and Management (DBM) ng 2023 National Expenditure Program sa ikatlong linggo ang Agosto.

Kaugnay nito ay inaasahang magiging abala sina House appropriations committee chairman at Ako Bicol Partylist Zaldy Co katuwang si Senior Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo sa pagsasagawa ng mga hearings upang kilatisin nang maigi ang proposed national budget.


Samantala, nasa 50 committee na ang mayroong naitalagang chairpersons mula sa 64 na standing committee habang sa 15 special committees na mayroon ay 10 na ang mayroong chairperson.

Kapag nakumpleto na ang mga naturang komite ay asahan na ang pagsasagawa ng mga hearing hinggil sa mga inihaing panukala ng mga kapwa nilang mambabatas.

Facebook Comments