Household Cleaning Tips Para Simulan Ang Iyong 2019

Tamang tama bagong taon magandang panahon para sa mga bago at kung wala namang mga bagong pambili saktong sakto ang paglilinis ng mga gamit na pagmumukhang bago.

  1. Itapon ang mga basurang naiwan o ginamit noong nakaraang taon

Napakaraming basurang naiwan lalong lalo na at nagdaan ang okasyon ng pasko at bagong taon. Maraming basurang naipon na naiimbak lamang. Linisan na rin ang basurahan upang magmukha itong bago.


  1. Pagpunas at paglaba ng mga stuff toy display at ibang display

Mga nakaimbak na inalikabukan na. Labas na labas ang dumi punasan upang magmukha itong bagong bili at labhan ang mga stuff toy upang hindi ito mag-amoy imbak at alikabok.

  1. Magtakda ng araw para sa pagpapalit ng punda at kumot.

Hindi naman araw araw kailangan magpalit ng punda at kumot, madalas ang pagpalit ng mga ito buwan o minsan ay seasonal pa nga. Bagong taon kailangan mo ng itakda upang nasa oras o nakatakda ang araw kung kailan mo ito malilinis at mapapaltan.

  1. Linisan/labhan ang mga sapatos na maaari pang gamitin

Uso ang mga bagong damit , pantalon at sapatos pero kahit hindi naman bago ang sapatos pwedeng pwede magmukhang bago sa paglilinis ng mga ito. Linisang mabuti tanggalin ang mga putik putik at sigurado magmumukhang bago pampares sa mga damit at pantalon mo.

  1. Linisin ang mga nakasulat sa pader/dingding

Ang mga nakasulat sa dingding na madalas gawa ng bata ay dapat ng linisin. Hindi sa lahat ng oras ay dapat palitan lalong lalo na mga parte ng bahay. Ang mga nakasulat naman ay may paraan para pagtanggal. Gamitin ang sponge at idutdot sa tubig na hinaluan ng baking soda at haluin ito at dahan dahang ipahid sa pader na may mga nakasulat.

  1. Ayusin ang pagkakabara ng lababo

Para sa mga mabagal ng mag-sink ang tubig sa lababo oras na para linisin nyo ang bara ng mga ito. Pwedeng pwedeng gamitin ang 1/2 cup ng baking soda na hinaluan ng 1/2 cup ng vinegar upang magamit pagtanggal ng mga tinutunaw na bara sa lababo. Takpan muna ito ng basang damit pagkatapus ibuhos sa lababo at mag-intay ng 5-10 minuto at buhusan ito ng mainit na tubig.

  1. Linisin ang mantya sa sangkalan

Sa tagal tagal ng panahon napansin mo ba na unti unti ng nagbabago ang kulay ng iyong sangkalan? Tila nagkaka mantya ito? Panahon na para linisin ito sa simpleng paraan lang. Kailangan mo lang ng lemon upang maalis ang mantya at amoy na nakadikit dito. Maari mo ring lagyan muna ito ng baking soda o asin upang maging mas malinis.

  1. Tanggalin ang mga uling-uling o nangingitim sa ilalim ng mga lutuan.

Araw-araw na ginagamit na mga lutuan lalo na at nagsapit ang mga okasyon. Madalas sa mga ulingan o gatong ang gamit lalo na sa mga naghanda ng marami. Nangingitim na ang iyong mga lutuan. Bagong taon bagong gamit o mukhang bagong gamit tanggalin ang itim itim gamit ang ilang mga abo sa mga pinanggatong nyo ipahid at linisin  gamit ang scotch brite. Tanggal uling o itim gamit ang simpleng abo.

  1. Paliguan ang mga alagang hayop.

Para naman sa may mga alagang nangangamoy na! Oras na para paliguan nyo rin ang inyong mga alaga.tanggalin ang mga pesteng naninirahan sa kanila upang pati ang inyong mga alaga ay mayroong happy.

Pero higit sa lahat…

Lagyan nyo ng pagmamahal ang inyong paggawa upang magawa ito ng mas mabuti at may magandang mangyayari sa mga gawain.


Article written by Oedipus Laguador

Facebook Comments