Housing Project at Convention Center sa City of Ilagan, Aarangkada

Cauayan City, Isabela- Inaasahan na anumang araw ay sisimulan ang groundbreaking ceremony ng lokal na pamahalaan ng Ilagan para sa pagtatayo ng Convention center sa Barangay Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni City Mayor Josemarie ‘Jay’ Diaz na bibigyang daan na ang konstruksyon ng P250 million multi-purpose commercial and convention center.

Bukod dito, sisimulan na rin ang konstruksyon sa ‘housing project’ na nagkakahalagang P50 million low-cost housing na susundan naman ng low-rise condominium type building para sa mga empleyado at mga indibidwal na nais magkaroon nito.


Tiwala naman si Diaz na unti-unting makakabangon ang ekonomiya ng lungsod para mas maging maunlad ang bawat Ilagueños.

Maliban pa dito, nakipag-ugnayan na rin ang opisyal sa mga health sector para sa pagsisimula ng operasyon sa City of Ilagan General Hospital.

Samantala, pinalawig naman ng LGU Ilagan ang renewal ng business permit hanggang Pebrero 26 batay sa inilabas na resolusyon.

Facebook Comments