Wanted person, arestado ng QCPD matapos kumuha ng travel pass

72

Arestado ang isang wanted person matapos kumuha ng travel pass sa Masambong Police Station 2.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo Macerin ang wanted na si Regino Tejada, 32.


Nang i-verify sa computer records ang pangalan ni Tejada ay lumitaw na may warrant of arrest mula kay Judge Josephus Joannes Asis ng Metropolitan Trial Court Branch 40 dahil sa kinakaharap nitong kasong serious physical injuries.

Nasa kustodiya na ng Masambong Police Station si Tejada at nakatakdang ipasakamay sa court of origin para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments