Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ng National Housing Authority at Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang groundbreaking ceremony sa 2 barangay ng bayan ng Nagtipunan.
Ito ay bahagi ng pormal na pagtatayo ng Bugkalot and Agta Housing Project.
Ayon kay Congressman Junie Cua, malinaw niyang naalala ang trahedya na nangyari sa mga lugar na ito na sinalanta ng bagyo, kaya panahon na para bumuo ng mas matatag na sambahayan para sa mga Katutubo.
Dagdag dito, Sinabi ni Governor Dakila Carlo Cua na ang mga residente sa San Pugo at Disimungal ay hindi lamang makikinabang sa proyektong pabahay, ngunit ito rin ay magsisilbing daan para sa Turismo upang sila ay makapagsimula ng kanilang sariling kabuhayan.
Pinuri naman ni NHA Manager Roderick Ibañez ang structural design ng housing project
Kaugnay nito, ipinaabot din ng mga Pinuno ng Agta at Bugkalot Community ang kanilang pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino at National Housing Authority.