HOUSING UNITS PARA SA MGA KAWANI NG LOKAL NA GOBYERNO NG MANAOAG, NAKATAKDANG ITAYO

Nakatakdang itayo ang housing units laan para sa mga kawani ng lokal na gobyerno ng Manaoag sa pamamagitan ng National Housing Authority o NHA.
Isang 375 two story duplex house units ang pinaghahandaang ipatayo alinsunod sa proyektong pabahay ng National government.
Ilan lamang sa mga maaaring maging benepisyaryo nito ay mga kawani mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BuCor) at iba pang empleyado ng gobyerno.

Samantala, pinaghahandaan na ang nasabing proyekto ng LGU Manaoag katuwang ang ilang hanay ng lokal na pamahalaan ng bayan maging ang iba pang ahensya. |ifmnews
Facebook Comments