PAGKAKAROON NG ROLLBACK SA PRODUKTONG LANGIS, POSIBLE SA MGA SUSUNOD NA LINGGO

Posible umano magkaroon ng isa na namang rollback sa mga produktong langis sa susunod na linggo pagkatapos ang halos tatlong buwang naranasang serye ng bigtime oil price hike.
Maaaring bumaba ng dalawang piso sa presyo ng kada litro ng Gasoline, 59 centavos sa Kerosene habang wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng Diesel.
Batay sa unang apat na araw ng trading, maaaring bumaba ng dalawang piso ang presyo ng kada litro ng gasolina habang 59 centavos sa kerosene.
Ilang mga operators sa lungsod ng Dagupan inaaasahan talaga umano ang rollback gayung sunod – sunod ang naranasang pagsirit ng presyo.

Sa ngayon ay bumabawi pa lang daw sila at inaasahang babalik sa dati umano ang kanilang kitaan sa arawang pamamasada. |ifmnews
Facebook Comments