MALAWAKANG MEDICAL MISSION, HATID PARA SA PANGASINENSE SA IKAAPAT NA DISTRITO NG PANGASINAN

Hatid sa mga Pangasinense partikular sa mga bayan at lungsod sa ilalim ng ikaapat na distrito ng Pangasinan ang malawakang serbisyong pangkalusugan sa pangunguna ng tanggapan ni 4th District Rep. Cong. De Venecia.
Simula ito ngayong araw, October 2 sa bayan ng San Fabian, Oct. 3 naman sa Dagupan City, Oct. 4 sa bayan ng Mangaldan, Oct. 5 sa bayan ng Manaoag at Oct. 6 sa bayan ng San Jacinto sa mga itinakdang lugar kung saan gaganapin ang nasabing serbisyo.
Mamamahagi ang tanggapan ng nasabing kongresista ng libreng konsulta, mga gamot bitamina, flu at 5+1 vaccines, at libreng reading eyeglasses maging dental services.

Bahagi ito ng adhikain ng kongresista sa pagsusulong ng health care services sa nasasakupan nito at alinsunod na rin sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. |ifmnews
Facebook Comments