Houston Rockets, pasok na sa NBA Western Conference semifinals

Pasok na sa susunod na round ang Houston Rockets matapos talunin sa game 7 ng NBA playoffs ang Oklahoma City Thunders sa score na 104-102.

Nagtulong-tulong sina Eric Gordon na may 20 puntos, Robert Covington na may 21 points at Russell Westbrook na nakagawa ng 20 puntos para maipanalo ang Rockets.

Nasayang naman ang career-high ni Luguentz Dort na nagtala ng 30-points para sa Thunders.


Makakaharap ng Rockets ang Los Angeles Lakers sa Western Conference semifinals.

Facebook Comments