Manila, Philippines – Simula sa Lunes, December 11 eksaktong alas sais ng umaga magpapatupad ng isang linggong dry run ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa implementasyon ng High Occupancy Vehicle (HOV) Lane sa kahabaan ng EDSA.
Ang HOV Lane ay para sa mga pribadong motorista na mayroong dalawa o higit pang sakay.
Bibigyan din sila ng privilege pass sa leftmost lane ng EDSA o yung linya katabi ng MRT lane.
Sinumang gagamit ng HOV lane na mag-isa lang sa sasakyan ay huhulihin sa pamamagitan ng No Contact Apprehension Policy at pagmumultahin ng P500.
Paliwanag ni MMDA Assistant General Manager for Planning Jose Arturo Garcia, maaaring gamitin ng motorcycle riders ang HOV Lane maliban pa sa itinatakdang motorcycle lane habang ang mga private car drivers na walang companion ay maaaring gamitin ang motorcycle lane (2nd) at third lane mula sa MRT.