Manila, Philippines – Nagsagawa ng urgent meeting ang HPG, LTO, MMDA at LTFRB kaugnay sa ipinatutupad na Anti-Distracted Driving Act (ADDA) at sa Children Safety on Motorcycle Act.
Sa pulong, muling nilinaw na bawal ang paggamit ng cellphone o gadget para tumawag at mag-text habang nagmamaneho at kahit na nakahinto pa ang sasakyan.
Ligtas naman sa huli ang mga driver na may emergency basta’t ipapaliwanag lang nito ang sitwasyon sa arresting officer.
Sinabi naman ni LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, ipinagbabawal na rin sa susunod na linggo ang paglalagay ng mga abubot sa wind shield ng mga sasakyan.
Maglalabas rin aniya sila ng memorandum na nagsasaad na ang mga signage ay dapat nasa gilid lang ng mga pampasaherong sasakyan.
Samantala, tuloy sa panghuhuli sa mga lalabag sa ADDA sa pamamagitan ng no contact apprehension ng MMDA habang inaayos pa nila ang deputation sa Children Safety on Motorcycle Act.
DZXL558