HUHULIHIN | Oplan Tokhang laban sa wang-wang, inilunsad ng PNP-HPG

Manila, Philippines – Upang mas lalo pang mapaigting ang paghuli sa mga sasakyang may illegal sirens o “wang-wang”

Inilunsad ng Philippine National Police Highway Patrol Group (HPG) ang Oplan tokhang versus wang-wang.

Ayon kay PNP HPG Director Police Chief Supt Arnel Escobal, official government vehicles lamang ang maaring gumamit ng wangwang at ito ay ang PNP, AFP, Ambulansya at Truck ng bumbero.


Bago ito una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy nya ang “no wang-wang” na una nang sinimulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino III.

Nakakatanggap kasi ng ulat ang Pangulong Duterte na may mga pulitiko na gumagamit ng wang-wang para makalusot sa trapik.

Nitong Marso lang, libu-libong LED Lights, sirens, blinkers at iba pang illegal accessories ng sasakyan ang nakumpiska ng HPG at pinagulungan ng bulldozer sa grandstand ng Camp Crame.

Facebook Comments