HULI!| 2 lalaki na nagsasako ng mga pusa sa Malabon – arestado!

16

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos mahuli sa aktong pagsasako ng mga pusang gala sa Malabon City kahapon.

Nagsasagawa ng oplan sita ang mga pulis sa Barangay Longos nang matiyempuhan ang isa sa mga suspek na bigla na lamang dinampot ang isang pusa sa kalye.

Iniabot niya ang pusa sa kanyang kasama sabay lagay sa sako na nasa kariton.

Nang tanungin ng mga pulis kung may permiso sila para manghuli ng mga pusa, walang naipakitang dokumento ang mga suspek.

Labinwalong pusa ang narekober sa sako ng mga suspek.

Hinala ng pulisya, ibebenta nila ang mga pusa sa mga medical student.

Kinasuhan na ang dalawa ng paglabag sa animal welfare act.

Facebook Comments