VIDEO KARERA | Lalaki, arestado matapos mahuling nagsusugal sa Caloocan City

12

Manila, Philippines – Arestado ang isang 38-anyos na lalaki matapos mahuling nagsusugal sa Barangay 23, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Ronald Andal.

Sa ulat – nakatanggap ng tip ang pulisya mula sa ilang concerned citizen na may nangyayaring iligal na karera sa kanilang lugar gamit ang mga video karera machine.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at doon naaresto si Andal.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o pagsusugal.

Facebook Comments