HULI | Apat, arestado sa drug buy bust operation sa Quezon City

Quezon City – Timbog ang 4 na drug suspek sa kinasang drug buy bust operation ng pinagsanib na pwerse ng QCPD station 3 at 6 sa Congressional Avenue Extension Brgy. Pasong Tamo Quezon City kagabi.

Target sa operasyon si Hydee Iludo na siyang tumanggap ng buy-bust money.

Maswerteng inabutan din sa lugar ang supplier ni Iludo na nakilalang si Orson Rizardo at ang dalawang iskorer na sina Jing Castillano at John Villanueva.


Labing 11 pakete ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng pulisya na nagkakahalaga ng 40k pesos.

Kasong paglabag sa R.A 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 ang isasampa sa mga anaarestong suspek.

Facebook Comments