HULI | Dalawang lalaki, kalaboso matapos lumabag sa batas trapiko at mahulihan ng iligal na droga sa Makati City

Makati City – Kalaboso ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos lumabag sa batas trapiko sa Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Gabriel Molano at Victorio Gilbuena na kapwa nakatira sa Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat, pinara ng mga pulis ang mga suspek sa Kalayaan Street Corner H. Santos Street sa Barangay Singkamas dahil sa wala itong mga helmet at wala ring dokumento ang minamanehong motor.


Napansin ng mga pulis ang kakaibang kilos ng naka-angkas sa motorsiklo na tila may gusto itago pero bigla nalang may nahulog mula sa kanyang kamay.

Dito na nakita ang isang pakete ng shabu kung saan kinapkapan naman ang driver kung saan may nakuha ding isa pang pakete ng shabu.

Facebook Comments