HULI | Dalawang nagbebenta ng nakaw na motorsiklo, kalaboso sa Mandaluyong City

Mandaluyong City – Arestado sa entrapment operation ang dalawang lalaking nagbebenta ng umano ay nakaw na motor matapos itimbre ng mismong buyer.

Kinilala ng Mandaluyong police ang mga suspek na sina Aries Puezo at Emmanuel Parada.

Kuwento ni Adrian Nieva, kapatid ng may-ari ng motor, kinontak ng buyer ang kaniyang kapatid nang nakita nito ang pangalan sa OR/CR.


Maliban sa motor ni Nieva, narekober din ang isa pang nakaw na motor.

Ayon kay Chief Inspector Dominador Ignacio, ng Mandaluyong PNP, modus ng mga suspek na tumatangay ng motorsiklo mula sa iba’t-ibang lugar sa Rizal saka ibinebenta online habang sa Mandaluyong magaganap ang transaksyon.

Nanawagan naman ang Mandaluyong PNP sa iba pang nabiktima nina Puezo at Parada na pumunta sa kanilang himpilan at magsampa ng kaso.

Facebook Comments