HULI | Isa sa mga akusado sa P6.4-B shabu shipment, naaresto ng NBI

Manila, Philippines – Naaresto ng NBI ang may-ari ng EMT Trading na si Eirene Mae Tatad at sinasabing consignee ng P6.4-Billion shabu shipment mula China.

Kinumpirma ng NBI na naaresto si Tatad kanina sa Iloilo at ililipad ito ngayong araw patungo sa NBI headquarters sa Maynila.

Kasama si Tatad sa mga ipina-aaresto ng Manila RTC branch 46 kaugnay ng kasong isinampa ng DOJ.
Samantala, nasa Manila RTC naman ngayon ang customs fixer na si Mark Taguba na una nang naaresto NBI kamakalawa.


May kaugnayan ito sa kanyang kahilingan na manatili sa kustodiya ng NBI.

Facebook Comments