Manila, Philippines – Kalaboso ang isang babae matapos mag tangkang magpasok ng iligal na droga sa kulungan sa Sampaloc Police Station.
Hindi umubra ang diskarte ng suspek na si Noemi Garcia na itinago ang isang sachet ng shabu na inihalo niya sa kanin.
Dadalaw sana ang suspek sa kaibigan nitong isang lalaki at babae na nakakulong dahil sa kasong iligal na droga.
Aminado naman ang suspek na ipinadala sa kaniya ang shabu pero ayaw naman nitong sabihin kung sino ang nag-utos nito sa kaniya.
Dahil dito, makakasama na niya ang dalawang kaibigan sa kulungan habang inaalam na kung sino ang source nito ng iligal na droga.
Facebook Comments