HULI | Isang lalaki, arestado dahil sa iligal na droga

Pasig City – Arestado dahil sa iligal na droga ang isang lalaki sa Villa Antonio Barangay Bambang, Pasig City kaninang madaling araw.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nakatanggap ng tawag ang Pasig PCP 3 mula sa isang concerned citizen kung saan inirereklamo ang suspect na si John Paul Pal-Lingayan na gumagawa ng gulo sa lugar.

Sa pangunguna ni PO1 Jose Roderick Basco III, agad na rumispunde ang mga otoridad.


Nagtangka pang tumakas ang suspect ngunit agad ring nahuli ng mga pulis, nang kapkapan, dito na nakuha sa pangangalaga nito ang 1 plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ngayon ang suspect sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at alarm and scandal.

Facebook Comments