TIMBOG | Isang lalaki, kalaboso sa ikinasang buy bust operation

Mandaluyong City – Arestado ang isang lalaki sa San Rafael St., Brgy. Plainview, Mandaluyong City, sa ikinasang buy bust operation ng Mandaluyong City Police.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagpanggap na poseur buyer si PO1 Robert Esteban, nang positibong magkaabutan na ng marked money, dito na inaresto ang suspect na si Renato Gabriel, na tinangka pang tumakas.

Nakuha sa pangangalaga nito ang 3 plastic sachet ng hinihinalang shabu, limang daang pisong marked money at mga drug paraphernalia.


Mahaharap ngayon ang suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments