HULI | Limang drug suspect, arestado sa buy bust operation sa Brgy. Bagong Pagasa sa Quezon City

Manila, Philippines – Kalaboso ang limang drug suspect na kinabibilangan ng tatlong babae sa ikinasang drug buy bust operation ng Station Drug Enforcement unit ng Police Station 2 sa San Roque 2. Brgy. Bagong Pagasa QC.

Kinilala ang mga arestado na sina Arlen Jumawan @ Toto, 38 , Pearl Joy Orde, 27 , Bambam Polgo , 32 , Noemy Uy , 20 years at Arvic Ehino pawang mga notoryus na nagpapakalat ng illegal drugs sa nasasakupan ng police station 2.

Matapos isailalim sa surveillance, ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek sa isang bahay sa squater area sa San Roque 2. Brgy. Bagong Pagasa QC.


Nang magkaabutan na ng shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos sa pulis na nagpanggap na poseur buyer, dito na kinuwleyuhan ang lima.

Nakuha sa loob ng bahay ang walong piraso ng sachet ng shabu at isang Caliber .38 revolver na kargado ng anim na bala.

Lumilitaw din na si Arlen Jumawan, alias Toto ay wanted dahil sa kasong double murder o pagpatay kina Rodel Palana at Joven Poblete.

Facebook Comments