HULI | Limang drug suspects, arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Parañaque City

13

Hindi na nakapalag pa ang limang mga drug suspects, kabilang ang dalawang lalaki na kabilang sa drug watch list sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Maynila at Parañaque City.

Unang naaresto ang dalawang lalaki na kabilang sa drug watch list ng Abad Santos Police habang kasama rin nila ang isa pang babae.

Narekober mula sa kanila ang isang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Samantala, isang sachet rin ng shabu ang nakuha ng Parañaque police mula sa dalawang pedicab driver sa barangay tambo habang nagsasagawa naman ng Oplan Galugad.

Aminado sina alyas Tikboy at Janno na gumagamit sila ng iligal na droga pero mariin naman itinatanggi na nagbebenta sila nito.

Facebook Comments