KALABOSO | Dalawang lalaki, arestado sa drug buy bust operation sa Marikina City

110

Marikina City – Wala ng nagawa ang dalawang drug suspek matapos silang mahuli sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspek na sina Edgard Shane Benavidez at Irwin Joseph De Castro nang masakote sila sa tinutuluyan nilang bahay sa SSS Village, Barangay Concepcion Dos.

Nabatid kasi na napagbentahan nila ang isang pulis nang isang sachet ng marijuana kung saan malimit din nilang parokyano ang mga kabataan sa nasabing lugar.
Nakuha din sa kanila ang labinlimang gramo ng hinihinalang high grade marijuana leaves na mas kilala sa tawag na “Kush”.

Facebook Comments