HULI | Limang personalidad, nahulihan ng shabu habang nagsusugal

Manila, Philippines – Arestado ang limang personalidad kabilang ang dalawang miyembro notoryus na gang matapos na magsagawa ng Simultaneous Anti Criminality and Law Enforcement Operation o SACLEO sa Sta.Cruz Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Joey Egalario 37 anyos, Rowel Baguio 53 anyos, Froilan Francisco 50 anyos miyembro ng Batang City Jail, Aguido Bugarin 51 anyos at Jeff Gamba 38 anyos miyembro naman ng Sigue Sigue Sputnik gang.

Ayon kay PO2 Carlito Siy nagsagawa ng SACLEO ang mga operatiba ng Sta. Cruz Police Station ng MPD sa Rizal Avenue malapit Fugoso Street Brgy. 335 Sta. Cruz Manila dahil sa napaulat na nagsusugal ng Kara Cruz ang mga suspek na ang pantaya ay shabu.


Narekober sa mga suspek ang limang pirasong plastik sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, tatlong pirasong piso at 520 pesos sa naturang lugar.

Pagalabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at PD 1602 o Illegal Gambling ang isinampang kaso ng MPD laban sa mga suspek.

Facebook Comments