HULI | Manugang ni NDF consultant Rafael Baylosis na sinasabing national organizer ng CPP-NPA, nakuwelyuhan ng CIDG

Manila, Philippines – Hawak na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Grouo ang manugang ni NDF Consultant Rafael Baylosis na miyembro umano ng National Organzing Committee ng CPP-NPA matapos maaresto sa Brgy. Ampid, San Mateo, Rizal.

Kinilala ni CIDG NCR Director, Ssupt. Wilson Asueta, Ang arrestado na si ng si “Marlen” Maojo Maga ng Brgy Ampid, San Mateo, Rizal.

Si Maga ay inaresto sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu Hon. Cesar P. Bordalba, ng 10th Judicial Region, Cabadbaran City, Agusan Del Sur dahil sa kasong murder.


Nakuha ng mga otoridad sa pagiingat ni Maga nang arrestuhin ang isang cal 45 , isang magazine na may 7 live ammos, at isang wallet na may iba’t ibang ids’ sa loob ng kanyang orange backpack.

Ayon sa opisyal, si Maga ay miyembro ng Executive Commiteee ng National Youth and Student Bureau (NYSB) ng National Organizing Division (NOD ) ng CPP-NPA.

Inamin ni Maga na siya ay manugang ni NDF consultant Rafael Baylosis, pero itinangging miyembro siya ng NPA.

Ayon naman kay Kilusang Mayo Uno secretary general Jerome Adonis, si Maga ay naging miyembro ng League of Filipino Students at founding member ng Akbayan bago sumama sa KMU bilang organizer.

Facebook Comments