Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria, nagiging vocal na tungkol sa kanilang relasyon

Showbiz – Napapansin ngayon ng netizens ang tila unti-unting pagiging vocal nina Jodi Sta., Maria at Jolo Revilla tungkol sa kanilang relasyon.

Kahapon nang mag-post si Jolo sa kanyang instagram ng isang sweet message para kay Jodi.

Binati niya ang aktres ng 81st monthsary sabay tawag na “asawa” sa aktres.


Nito lang ding Enero nang magsalita tungkol sa relasyon nila si Jodi nang mag-guest siya sa isang late night talk show.

Say ni Jodi – bukod sa anak niyang si Thirdy, si Jolo na raw ang masuwerteng lalaki na pinag-bigyan niya ng kanyang puso.

Idinaan naman ni Jolo sa Twitter ang kilig sa sinabi ng aktres.

Facebook Comments