HULI | No. 1 most wanted person sa Goa, Camarines Sur, arestado

Quezon City – Kalaboso ang no. 1 most wanted person sa bayan ng Goa,Camarines Sur matapos itong maaresto sa Quezon City.
Tatlong kaso ng rape ang nakasampa laban sa suspek na si Aldrin Belga, 28-anyos na kasalukuyang nakatira sa Angat, Bulacan.
Nasakote ang suspek sa C-5 kanto ng Boni Serrano Avenue sa barangay libis matapos na bumisita sa isang kaibigan.
Kasalukuyang nakakulong si Belga sa QCPD station 12 at nakatakdang iturn-over sa Goa Municipal Police Office.

Facebook Comments