HULI SA AKTO | Magkapatid, arestado sa drug operation sa QC

Quezon City – Kalaboso ang magkapatid na drug suspek matapos maaktuhang nagbebenta ng droga sa Barangay San Francisco del Monte, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Erick Mirasol, 33-anyos at kapatid nitong si Dick, 41-anyos, isang tricycle driver at nasa drug watchlist ng PDEA.

Isang tawag sa telepono ang natanggap ng mga otoridad kaugnay ng transaksyon sa ilegal na droga sa bahay ng mga suspek.


Dito ay agad ikinasa ng mga otoridad ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu na may street value na P800.

Nahaharap ang mag-kapatid na suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments