HULI SA AKTO | Siyam na lalaki, arestado matapos salakayin ang isang drug den sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang siyam na lalaki matapos salakayin ang isang bahay na ginagawang drug den sa Tondo, Maynila.

Sa ulat, naabutan pa ng mga tauhan ng MPD-Station 1 ang mga suspek na bumabatak ng shabu.

Nang halughugin ang buong bahay, nadiskubre ng mga pulis ang ilang baril, granada at sangkaterbang iligal na droga.


Todo tanggi naman ang mga suspek kung saan dinakip din ang labing tatlong indibiwal kabilang ang isang tanod na nakatabay sa paligid ng bahay.

Facebook Comments