HULI | Tatlong lalaki, arestado sa buy-bust operation

68

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki matapos salakayin ng QCPD station-7 ang bahay ng isang drug suspek sa Barangay San Martin de Porres, Cubao, Quezon City.

Nadakip ang pangunahing target ng operasyon na si Bingo Arispe habang naabutang gumagamit ng shabu sina Alexis Baniqued at Melvin Tacuyan.

Narekober mula sa mga suspek ang 14 na sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Depensa naman ni Baniqued, dala ng depresyon ang kanyang paggamit ng shabu kung saan may problema ito sa kaniyang pamilya dahil nakakulong ang kaniyang kapatid sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments