HULICAM: Lalaki nanghablot ng cellphone sa kalagitnaan ng trapiko

157
Screenshot captured from Arlene Pedron's video on Facebook.

Sapul sa dashcam ang pang-iinsnatch ng isang kawatan sa isang pasaherong nakasakay sa jeep habang nasa kalagitnaan ng trapiko sa Ortigas Avenue Extension, Cainta Rizal, noong Biyernes ng hapon.

Sa dashcam footage, makikitang papunta ang isang lalaking nakasuot ng blue na long sleeves sa nakahintong pampasaherong sasakyan.


Ilang sandali pa, hinablot niya na ang cellphone ng commuter at sabay takbo ng mabilis.

Nagkatingan at hindi na hinabol pa ng ibang pasahero ang magnanakaw dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.

Sa ngayon, tinutugis na ng kinauukulan ang suspek na nakunan sa dashcam.

Facebook Comments

From Advertisers