Dumating na sa bansa kaninang hapon ang 10 Filipino crewmen na sakay ng M/V Minoan Courage na inatake ng Houthi rebels nitong October 1, 2024 habang bumabagtas sa Red Sea.
Sila ang huling batch ng Pinoy seafarers na nakauwi sa Pilipinas mula sa inatakeng barko.
Una nang nakauwi ng bansa ang 11 pang Pinoy crewmen na sakay ng magkahiwalay na flight noong nakalipas na linggo.
Ang mga nakaligtas na Pinoy ay sumailalim muna sa psychiatric evaluations bago umuwi ng bansa.
Tiniyak naman ng Department of Migrant Workers (DMW) na hindi pinabayaan ng manning agency ang Pinoy seafarers.
Facebook Comments