Monday, January 19, 2026

Huling biyahe ng MRT, LRT ngayong araw, pinaaga!

Ngayong bisperas ng Bagong Taon, nagpaalala ang pamunuan ng MRT at LRT hinggil sa kanilang maagang pagsasara ngayong araw.

Sa MRT, alas-7:47 ng gabi ang last trip mula North Avenue station, habang alas-8:38 ang last trip ng tren mula Taft Avenue station.

Sa LRT-line 1 naman parehong alas-7:00 ng gabi ang huling biyahe ng mga tren mula Baclaran station at Roosevelt station.

Habang sa LRT-line 2 alas-7:00 rin ng gabi ang last trip ng westbound mula Santolan station.

Samantalang 7:30 ng gabi ang huling biyahe pa-eastbound mula Recto station.

Facebook Comments