Departure ceremony para sa biyahe ng pangulo patungong Dubai, isasagawa ngayong umaga

Nakatakda ngayong umaga ang departure ceremony para sa pag-alis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. papuntang Dubai, United Arab Emirates.

Ito ay para dumalo sa World Climate Action Summit o COP 28.

Batay sa ulat ng Malacañang, gagawin ang departure ceremony mamayang 9:45 ng umaga sa Maharlika Presidential Hangar, Villamor Air Base, Pasay City.


Inaasahan naman dadalo sa departure ceremony si Vice President Sara Duterte-Carpio, Executive Secretary Lucas Bersamin, Pasay Mayor Imelda Calixto-Rubiano, mga Major Service Commanders at ilan pang mga Cabinet Secretaries

Kahapon, una nang sinabi ni Ma. Teresa Almojuela Assistant Secrertary ng United Nations and other international organizatios na magtatagal ang pangulo sa Dubai hanggang December 2.

Hindi aniya mawawala sa schedule ng pangulo ang pakikipagpakita sa mga Pilipino sa Dubai na una sa kanyang agenda.

Inihayag din ni Asec. Almojuela, na mahigit 12 bilateral meeting sa sideline sa COP 28 ang inaasahang gagawin ng pangulo sa Dubai.

Facebook Comments