Kaugnay ng selebrasyon ng International Human Rights Day nitong Martes, 12 December, nagtipon ang human rights stakeholders sa ARMM para sa isinagawa ang serye ng lectures kaugnay ng karapatang pantao.
Sinabi ni RHRC-ARMM chairperson Atty. Abdulnasser Badrudin, ang aktibidad ay pagkakataon upang ipaalala sa bawat isa ang kanilang mga karapatan at sa pamamagitan nito ay umaasa sila na mapapatatag ang partnership sa pagitan nila at ng iba pang mga organisasyon, opisina at sektor.
Nangako ang RHRC-ARMM na ipagpapatuloy nito ang pagpapalaganap at itataguyod nito ang karapatan ng bawat indibidwal sa rehiyon ayon sa nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights ng United Nations.
Nakapaloob sa deklarasyon ang inalienable rights ng bawat tao ano man ang kanyang lahi, kulay relehiyon, kasarian, lengguahe, political views at estado sa buhay.
Binigyang pagkilala rin ng RHRC-ARMM ang civil society organizations na may makabuluhang naiambag sa mga pagsisikap na maipalaganap ang human rights sa rehiyon.
Human rights stakeholders sa ARMM, nagtipon sa International Human Rights Day!
Facebook Comments