Humanitarian operations ng AFP, apektado sa pagiging grounded ng C-130 fleet

Apektado ang humanitarian operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pagiging grounded ng kanilang C-130 fleet.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo matapos ang pagbagsak ng isa sa C-130 plane sa Sulu kahapon na ikinasawi ng 47 sundalo at 3 sibilyan.

Ayon kay Arevalo, malaki ang naitutulong ng C-130 plane sa humanitarian effort ng gobyerno lalo na ngayong may pandemya.


Pero aniya, apektado lang ang humanitarian operations ngunit hindi ititigil dahil mayroon aniyang contingency plan ang AFP.

May iba aniyang air assets ang AFP para magamit sa pagsasagawa ng humanitarian operations partikular ng rollout ng mga bakuna ngayong may COVID-19 pandemic.

Mensahe ni Arevalo, huwag mangamba ang publiko dahil ginagawa lahat ng AFP ang lahat paraan para magtuluy-tuloy ang humanitarian operations sa kabila ng trahedyang ito.

Samantala, lima ang C-130 plane ng AFP na ngayon ay grounded habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments