
Nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasama ang Bureau of Customs (BOC), Department of Trade and Industry (DTI), Northern Police District (NPD), at Philippine Coast Guard (PCG), ang nasa humigit-kumulang ₱700 milyong halaga ng assorted imported na mga pabango sa isang warehouse sa Valenzuela City.
Naisagawa ang operasyon matapos ang matagal na pagsusurveillance sa lugar kung saan nang ito ay naging positibo, agad itong kinoordinate sa BOC para maisyuhan ng letter of authority.
Ang mga nakumpiskang pabango ay dinala sa DTI para sa ilang beripikasyon, pati na kung ang nasabing mga produkto ay naka-comply sa Philippine National Standards (PNS) bago ito i-distribute.
Nahaharap naman ang mga suspek, na pinaghahanap pa rin sa ngayon, sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines.










