Humingi na ng permiso sa DOH upang payagang makatulong ang mga medical students

Humingi na ng permiso ang Private Hospitals Association of the Philippines sa Department of Health (DOH) para payagang tumulong ang mga doktor at nurses na undergraduate o hindi pa nakapasa sa board.

Kasunod na rin ito ng kakulangan sa mga medical staff dahil sa posibleng pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay PHAPI President Dr. Rustico Jimenez, malaking tulong ang mga physicians’ board examinees sa mga ospital lalo na tinatayang nasa 23,000 nurses at doktor ang kanilang kailangan.


Sa interview ng RMN Manila, pinaboran naman ito ni UP-PGH Spokesman Dr. Jonas Del Rosario.

Pero, binigyan diin ni Del Rosario na maaari silang makatulong basta nasa supervision ng mga lisensiyado doktor.

Nanawagan din si Del Rosario ng mga volunteers medical doctors para sa ibat ibang ospital sa Luzon.

Facebook Comments