Hurricane Ian na may lakas na Category 4, nag-landfall na sa Florida, USA!

Nag-landfall na ang Hurricane Ian sa Florida, USA, ngayong araw.

Ayon sa National Hurricane Center sa Amerika, tumama ito sa kalupaan ng Florida dakong alas-3:05 ng umaga, oras sa Pilipinas, malapit sa Cayo Costa.

Nakataas ang bagyo sa Category 4, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 89 kilometro kada oras, at may pagbugso na aabot sa 126 kilometro kada oras.


Nawalan din ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng lugar at nagdulot din ito ng malawakang pagbaha.

Bago pa mag-landfall ang bagyo sa Florida, ay nasa isang milyong residente ng Cuba ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos ang pananalasa ng Hurricane Ian.

Maraming gusali rin ang nasira habang isang katao ang nasawi dahil sa kalamidad.

Inaasahan namang mananatili ang lakas ng bagyo sa loob ng 24 oras habang papatawid sa Florida.

Facebook Comments